MATAGUMPAY na nagtapos ngayong Linggo ang Combined Field Artillery Live Fire Exercises na isinagawa sa Camp Ernesto Ravina Air Base sa Capas Tarlac.
Nilahukan ito ng mga kinatawan ng sundalong Pilipino at Amerikano.
Layon ng nasabing pagsasanay ay upang mapalakas pa ang interoperability ng 2 hukbo lalo na sa mga inaasahang malalaking hamon na darating sa parehong bansa.
Ipinakita ng 2 hukbo ang kakayanan ng kani-kaniyang 105mm at 155mm self-propelled Howitzers para sa mga target nitong kalaban.
Kasama na rito ang tinatawag na game changer ng Pilipinas na Autonomous Truck Mounted Howitzer System (ATMOS) 155 mm/52 caliber self-propelled artillery.
Bagamat aminadong kulang pa ang Pilipinas sa mga kagamitan, pero tiniyak ng bansa na handa sila sa anumang hamon sa seguridad anumang oras at itatakda ng panahon.