ISINUSULONG ni Senator Sherwin Gatchalian ang pagkakaroon ng mas maraming renewable energy projects sa bansa.
Ito ay upang makatulong na mapababa ang halaga ng kuryente at matiyak ang sapat ng suplay nito.
Kung ihahambing aniya sa coal-fired at gas fired power plants, malayong napakababa ang generation cost ng renewable energy.
Nauna nang inihain ni Sen. Gatchalian ang Senate Bill No.157 o ang Energy Transition Act, na nagtatakda para sa paglikha ng isang energy transition plan upang makamit ang net zero emissions pagdating ng 2050 at alisin ang pagdepende ng bansa sa imported na langis.
Inihayag pa ni Gatchalian na habang nasa ‘energy transition’ ang bansa ay kailangang maghanap ng iba’t ibang mapagkukunan ng suplay ng enerhiya.