HINIHIKAYAT ngayon ng Kamara sa Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture (DA) na taasan ang special weekly discount na ibinibigay sa senior citizens at persons with disabilities (PWDs) sa mga pangunahing pangangailangan.
Ayon sa House Committee on Ways and Means at ng senior citizens, mainam na gawing P500 bawat buwan ang magiging discount cap para sa mga senior at PWDs.
Sa kasalukuyan ay nasa P260 lang ang discount cap bawat buwan para sa mga ito.
Hindi naman ito tinutulan ng DTI at DA subalit kailangan pa rin ipagtibay ayon sa Kamara.
Ang kasalukuyang food inflation rates ang dahilan para mabuo ang nabanggit na panukala.