Mas pinaigting na seguridad para sa Semana Santa sa Magsaysay, Libjo, Dinagat Islands!

Mas pinaigting na seguridad para sa Semana Santa sa Magsaysay, Libjo, Dinagat Islands!

PATULOY ang pagtutok ng Coast Guard Sub-Station (CGSS) Libjo, Dinagat Islands sa pagpapanatili ng seguridad at kaayusan sa baybayin ng Brgy. Magsaysay, lalo na’t inaasahang mas dadami pa ang mga beachgoers hanggang Linggo ng Pagkabuhay (Abril 20, 2025).

Mahigpit na mino-monitor ang mga bathing areas, at naka-deploy na ang mga tauhan ng coast guard upang magbigay-gabay, paalala sa kaligtasan, at agarang tugon sa anumang emergency.

Paalala sa lahat:

✔️ Iwasan ang paglangoy sa malalim o mapanganib na bahagi ng dagat

✔️ Bantayang mabuti ang mga bata

✔️ Makipagtulungan sa mga awtoridad kung kinakailangan

“Masarap magbakasyon, pero mas mahalaga ang kaligtasan.”

Magsaya nang may disiplina at malasakit sa kapwa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter