MASAYA at taos-pusong ipinaabot ni Vice President Sara Duterte ang kaniyang pasasalamat sa mga mamamayan ng Calbayog City, Samar, matapos magkaroon ng pagkakataon na personal na makadaupang-palad at kumustahin ang mga ito.
Lubos ang pasasalamat ni VP Sara sa mainit na suporta ng mga taga-Calbayog hindi lamang sa kaniyang pamilya kundi maging sa Office of the Vice President.
Pinuri rin niya ang patuloy na panalangin ng mga mamamayan para sa kaligtasan at maayos na pag-uwi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, at sa ginanap nilang pagdiriwang ng kaarawan nito noong Marso.
Ayon kay VP Sara, ang mga dasal at suporta ng publiko ang nagsisilbing lakas at inspirasyon para sa kanilang pamilya na patuloy na maglingkod para sa bayan.
Editor’s Note: This article has been sourced from the Inday Sara Duterte Facebook Page.