“Master plan” upang solusyonan ang kakulangan ng health workers, inihahanda ng CHED

“Master plan” upang solusyonan ang kakulangan ng health workers, inihahanda ng CHED

INIHAHANDA na ng Commission on Higher Education (CHED) ang kanilang “master plan” na layuning tugunan ang kakulangan ng health workers sa bansa.

Ayon kay CHED Chairperson Prospero “Popoy” de Vera III, ipapakita nila ito kay Pangulong Ferdinand R. Marcos sa Hunyo 19.

Sinasabing partikular na tutugunan nito ang kakulangan ng bansa sa physical at occupational therapists maging sa medical at radiologic technologists.

Matutugunan din nito ang kakulangan ng nurses sa pamamagitan ng fully funded review classes para sa 500 graduates na naglalayong kumuha ng Philippine Nurses Licensure Examination.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble