Mastermind ng Percy Lapid Case, malapit nang matukoy –Pamilya Mabasa

Mastermind ng Percy Lapid Case, malapit nang matukoy –Pamilya Mabasa

MALAPIT nang matukoy kung sino ang mastermind sa pagkamatay ng brodkaster na si Percy Lapid.

Ayon kay Roy Mabasa, ang kapatid ni Percy Lapid, sa isinagawang case conference kung saan kasama niya si Justice Sec. Boying Remulla, may tinutumbok na ang Department of Justice (DOJ) na ilang indibidwal subalit hindi pa ito maisiwalat.

Sa ngayon ay hahayaan na muna nila ang DOJ kasama ang National Bureau of Investigation at Philippine National Police para ipagpatuloy at kumpletuhin ang imbestigasyon.

October 3 nang paslangin si Percy Lapid sa Las Piñas.

October 18 nang iharap sa media ang nagsurrender na gunman na si Joel Escorial kung saan tinukoy nito na isang Crisanto o Jun Villamor na nasa Bilibid ang middleman ng pagpatay kay Lapid.

October 20 nang malamang patay na rin si Villamor noong October 18.

Sa unang autopsy, natural death ang inilagay kay Villamor subalit sa ikalawang autopsy ay nakitaan ng anggulong posibleng nawalan ito ng hininga dahil sa isang plastic na nilagay sa ulo nito.

Follow SMNI NEWS in Twitter