SA isang military operation na ikinasa ng tropa ng pamahalaan sa Lanao del Sur, nasawi ang sinasabing mastermind ng bombing incident sa loob ng paaralan ng Mindanao State University (MSU) sa Marawi City noong nakaraang taon.
Kung saan 11 ang nasawi habang marami ang sugatan.
Kinilala ang nasabing mastermind na si Khadafi Mimbesa o alyas “Engineer” na nagsisilbi ring amir o pinuno ng Dawlah Islamiyah – Maute Group.
“The efforts of the (Philippine Army) 103rd Brigade, under the leadership of their commander, Brig. Gen. Yegor Rey Barroquillo Jr., resulted in the neutralization of local terrorists and armed members of the Dawlah Islamiyah (DI) in Lanao del Sur on Jan. 25-26, 2024, who were identified as perpetrators of the fatal bombing at Mindanao State University (MSU) on December 3, 2023,” ayon kay Col. Xerxes Trinidad, Chief, AFP-PAO.
Sa pahayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP), ang pagkasawi ni Mimbesa ay kinumpirma ng isang miyembro ng DI-Maute Group na sumuko sa 2nd Mechanized Brigade nitong Linggo.
“Statements from a surrendered terrorist, identified as KHATAB, a high-value individual in the DI-Maute Group who surrendered to the 2nd Mechanized Brigade on February 11, have corroborated the initial information on demise of the DI-Maute Group Amir and the mastermind behind the MSU bombing,” saad ni Col. Xerxes Trinidad, Chief, AFP-PAO.
Narekober sa naturang operasyon ang siyam na high-powered firearms, isang bandolier, apat na handheld radio at isang cellular phone.
Sa panig ng Philippine National Police, malaki anilang development ito lalo na sa inaasam na hustisya para sa mga pamilyang naiwan ng kanilang mahal sa buhay na nasawi sa malagim na pagpapasabog.