Mataas na net income, target ng Thailand sa ikalawang kwarter ngayong taon

Mataas na net income, target ng Thailand sa ikalawang kwarter ngayong taon

NANINIWALA ang pamahalaan ng Thailand na makakamit nila ang inaasahang mataas na net income sa ikalawang quarter ngayong taon.

400 billion baht o 11 billion dollars ang inaasahang net income ng pamahalaan ng Thailand sa pagpasok ng marami pang turista sa bansa sa second quarter ngayong taon.

Ayon kay Rachada Dhnadirek, deputy government spokeswoman ng bansa, tinatantyang nasa 7.5 million international travelers ang bibisita sa bansa sa mga tourist spot ng Bangkok, Phuket, at Koh Samui sa buwan ng Hulyo hanggang katapusan ng Disyembre.

Dagdag pa nito gagawa pa sila ng hakbang upang mapalakas pa lalo ang tourism industry ng bansa upang marami pang turista ang makapasok.

Aabot naman sa 50 bansa ang pinapayagan ngayon ng pamahalaan ng Thailand na makapasok sa kanilang lugar.

Samantala, isa ang tourism industry ng Thailand sa nakatulong upang makabangon ang ekonomiya nito mula sa pandemya na COVID-19.

Follow SMNI NEWS in Twitter