Mataas na pondo ng NTF-ELCAC, kailangan para mapanatili ang mga nasimulan—Sec. Gadon

Mataas na pondo ng NTF-ELCAC, kailangan para mapanatili ang mga nasimulan—Sec. Gadon

KAILANGANG mapanatili ang mga nasimulan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Para sa mga nagsibalik-loob na mga rebelde at sa mga malalayong pamayanan sa bansa.

Ito ang sinabi ni Presidential Adviser on Poverty Alleviation Sec. Larry Gadon sa panayam ng SMNI News kung kaya’t nais niyang madagdagan ang pondo nito.

Naiintindihan naman aniya kung binawasan sa nagdaang mga taon ang pondo ng NTF-ELCAC dahil naipatupad o nasimulan na ang maraming programa subalit mainam pa rin na mapanatili ito.

Matatandaan na mula sa P18-B pondo noon ay ngayong taon ay nabigyan lamang ang NTF-ELCAC ng P10-B.

Giit ni Gadon, ubos na ang naturang pondo ngayong kalahating taon pa lamang.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble