Mataas na presyo ng karne, sanhi ng malnutrisyon, protein deficiency—mambabatas

Mataas na presyo ng karne, sanhi ng malnutrisyon, protein deficiency—mambabatas

NAGIGING sanhi ng kakulangan sa protina at malnutrisyon sa mga Pilipino ang mataas na presyo ng mga karne.

Batay pa sa pag-aaral ng Organization for Economic Cooperation and Development’s Program for International Student Assessment (OECD-PISA), ang mga mag-aaral sa bansang may mataas na presyo ng karne ay ang mas nakakakuha ng mababang grado sa mga pagsusulit.

Ito na ang dahilan kung bakit inihain ni Sen. Cynthia Villar ang Senate Bill No. 2558 na layuning magkaroon ng livestock, poultry at dairy industry development sa sektor ng agrikultura.

Aniya, maliban sa matugunan ang malnutrisyon ng mga Pilipino, layunin din ng kaniyang panukala ang mabigyan ng maraming oportunidad ang mahigit 2.8-M na livestock at poultry farmers.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble