PINAAALALAHANAN ng Land Transportation Office (LTO) ang lahat na kalahok ng Motorcycle Taxi Pilot Study program na iwasan ang overcharging sa mga pasahero nito.
Bilang tugon na rin ito ng LTO mula sa mga ulat ng mga commuter na sobra-sobra ang pinapabayaran sa kanila kahit pa hindi malayo ang kanilang byahe.
Ipinangako rin ng namamahala ng Angkas, Joyride at Move It na ipapaalala nila ito sa kanilang riders.
Sa kabilang banda, ayon kay LTO chief Asec. Jose Arturo Tugade, ang mga nag-aalok ng habal-habal rides ay maaaring makasuhan ng colorum violation.