Mataas na singil sa kuryente, banta sa ‘Bagong Pilipinas’

Mataas na singil sa kuryente, banta sa ‘Bagong Pilipinas’

POSIBLENG magiging banta sa ‘Bagong Pilipinas’ ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mataas na singil ng kuryente.

Kung titingnan ayon kay United Filipino Consumers and Commuters (UFCC) President Rodolfo Javellana Jr., ang mataas na singil ng kuryente ay hindi nakakapag-attract ng maraming lokal o dayuhang investors na pangunahing layunin ng programa ni Pangulong Marcos.

Dapat aniya, “affordable” ang singil ng kuryente.

Kamakailan ay inanunsiyo ng Meralco ang rate hike kung saan nasa P115 ang dagdag-singil para sa mga komukunsumo ng 200-kilowatt hour.

P172 naman para sa komukunsumo ng 300-kilowatt hour.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble