IBINAHAGI ng climate scientists na posibleng makararanas ng mataas na temperatura ang Paris ngayong nalalapit na ang Olympics.
Sa kanilang pag-aaral, maaaring makakaapekto ito o ikamatay ng mga maglalarong atleta.
Sa ngayon ay ipinanawagan ng mga eksperto na baguhin ang schedules upang maiwasan ang pangyayari.
Iminumungkahi rin na magbigay at paunlarin ang rehydration at cooling plans nila para sa mga atleta maging sa fans upang maiwasan ang heat stroke.
Ang Paris Olympics ay magsisimula sa Hulyo 26 – Agosto 11, 2024.
Ito ang mga panahon na itinuring na “warmest months” sa Paris.