Matataas na kalibre ng armas, narekober ng militar sa Balbalan, Kalinga

Matataas na kalibre ng armas, narekober ng militar sa Balbalan, Kalinga

IBA’T ibang matataas na kalibre ng armas at mga bala ang narekober ng 103rd Infantry Battalion ng Philippine Army sa Sitio Dau, Brgy. Balbalan Proper, Balbalan, Kalinga.

Ayon kay LtCol. Joel Lucas, battalion commander ng nabanggit na unit na natunton nila ang mga gamit pandigma matapos na isumbong ito ng mga residente.

Matapos matanggap ang impormasyon agad na nagsagawa ng focused military operation ang tropa ng militar at narekober ang isang M14 rifle, isang M1 Garand rifle, dalawang magazines, dalawang clip assembly, twenty-two rounds ng mga bala ng Cal 7.62mm at sixteen rounds ng mga bala ng Cal .30.

Base sa impormasyon na nakuha ng pamahalaan, ang mga armas ay pagmamay-ari ng grupong Kilusang Larangang Gerilya (KLG) Baggas, Ilocos Cordillera Regional Committee (ICRC).

Maliban sa nabanggit, nadiskubre din ng militar ang kampo ng komunistang teroristang grupo na tinatayang siyam na buwan nang ginagamit bago ito matagpuan ng militar.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble