NANINIWALA si Defense Secretary Gilbert Teodoro na isang malaking capability upgrade at matatag na Pilipinas ang dala ng mga itatayong EDCA sites sa iba’t ibang panig ng bansa.
Sa panayam ng media araw ng Martes Agosto 15, 2023, iginiit ni Teodoro na mas lalaki at lalawak ang kapasidad ng Pilipinas para harapin ang mga hamon nito kung malakas na ang Armed Forces ng bansa sa tulong ng EDCA facilities.
Bukod sa defense upgrade, mabilis ding matutugunan ang kailangang tulong at suporta ng pamahalaan sa mga lugar na apektado ng iba’t ibang kalamidad at posibleng conflicts dahil naka preposition na agad ang mga kagamitan ng bansa sa mga EDCA facilities na ito.
Sa susunod na buwan, inaasahan na sisimulan na ng bansa katuwang ang Amerika sa konstruksiyon sa bagong EDCA sites na ito na matatagpuan sa malaking bahagi ng Luzon
Matatandaang, binisita ng kalihim ang Camp Melchor dela Cruz sa Gamu, Isabela na isa ito sa apat na karagdagang EDCA sites na napagkasunduan ng Pilipinas at Estados Unidos.