Maternity leave scam, wala pang indikasyon na nangyari sa ibang lugar –DepEd

Maternity leave scam, wala pang indikasyon na nangyari sa ibang lugar –DepEd

WALA pang indikasyon na nangyari sa ibang lugar ang maternity leave scam.

Ito ang ibinahagi ni Atty. Michael Poa, ang spokesperson ng Department of Education (DepEd) sa panayam ng SMNI News.

Matatandaang bumuo na ang Department of Education-National Capital Region (DepEd-NCR) ng fact-finding committee na mag-iimbestiga sa umano’y maternity leave scam na sangkot ang mga guro.

Ito ay matapos isiwalat ni DepEd Division of Taguig City-Pateros (DepEd-Tapat Curriculum Implementation Division) Chief Dr. Ellery Quintia na may ilang guro ang naghain ng maternity leave ng hanggang 11 beses sa loob ng 3 taon.

Sa ngayon ay hinihikayat ni Poa ang naglantad sa isyu na maghain na rin ng sworn statement para makatulong sa imbestigasyon ng DepEd.

Sinabi na rin ni Dr. Quintia, ang siyang naglantad ng isyu na nakikipag-usap na ito sa kanyang legal counsel hinggil sa paghahain ng sworn statement.

Follow SMNI NEWS in Twitter