May-ari ng sports car na dumaan sa EDSA Bus Lane, inisyuhan na ng show cause order ng LTO

May-ari ng sports car na dumaan sa EDSA Bus Lane, inisyuhan na ng show cause order ng LTO

INISYUHAN na ng show cause order ng Land Transportation Office (LTO) ang may-ari ng sports car na dumaan sa EDSA Bus Lane.

Sa show cause order, inatasan ang may-ari at driver ng Red Ferrari F8 Tributo na may plate number 8999 na humarap sa LTO Central Office-Intelligence and Investigation Division sa Lunes, Oktubre 24, ganap na alas 10 ng umaga.

Inatasan din ang driver na magsumite ng paliwanag kung bakit hindi dapat kanselahin o tuluyang tanggalan ng lisensya sa pagmamaneho.

Sakaling hindi magpakita o magsumite ng paliwanag, sinabi ng LTO na tinatanggalan na ng mga ito ang kanilang sarili na makapaghain ng kanilang panig.

Ang EDSA Bus Lane o Carousel Lane ay nakalaan lang sa public utility buses, ambulansya at authorized marked government emergency vehicles.

Follow SMNI NEWS in Twitter