Mayamang turismo at mga produktong halal, ibinida sa Salaam Expo

Mayamang turismo at mga produktong halal, ibinida sa Salaam Expo

MULA sa pagkain at inumin, mga hotel, accommodation at tourism establishment hanggang sa mga damit, cosmetics, at iba pang mga produkto.

Ibinida ng Department of Tourism (DOT) sa Salaam: Halal Tourism and Trade Expo Philippines sa isang mall sa Quezon City ang mga produktong Halal mula sa iba’t ibang industriya.

Hakbang ito ng DOT para maipakilala pa ang mayaman na turismong halal sa Pilipinas lalo na sa rehiyon ng Mindanao.

Sa tatlong araw na expo, isasagawa ang mga seminar at workshop, tampok ang mga eksperto sa halal industry; mga cooking demonstration ng mga pagkaing halal; at mga cultural performances at ang mayamang tradisyon ng Mindanao.

Pagdagsa ng mga turista sa Mindanao at mas maraming trabaho, inaasahan kasunod ng Salaam Expo

Malaking tulong para sa mga pamahalaang lokal at panlalawigan sa Mindanao ang nasabing expo at iba pang hakbang ng DOT sa pagpapalakas ng turismong halal.

Para sa mga taga-Sultan Kudarat, maraming trabaho ang maidudulot nito lalo’t marami ang mas maeengganyong turista na bumisita sa kanilang lugar lalo na ang mga magmumula sa Muslim countries.

Mayaman ang Sultan Kudarat sa mga naggagandahang tanawin mula sa mga bulubundukin at mga kakahuyan hanggang sa mga karagatan.

Industriya ng kape sa Sultan Kudarat, umuusbong

Ibinida naman ng lalawigan ang umuusbong na coffee industry sa lugar.

Pilipinas, handa nang tumanggap ng mas maraming turista mula sa mga Muslim country—Malaysian Embassy

Sa panig naman ng emabahada ng Malaysia, naniniwala sila na handa na ang Pilipinas para tumanggap ng mas marami pang mga turistang Muslim mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ipinahayag pa ng ng embahada ang kanilang kahandaan na tulungan ang bansa para lalong mapausbong ang halal tourism ng bansa.

Matatandaan na muling kinilala ang Pilipinas bilang top emerging Muslim-friendly destination sa Mastercard-Crescent Rating Global Muslim Travel Index sa ikalawang magkasunod na taon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble