Mayor Abu, nagbigay ng unang direktiba: Ayusin ang serbisyo, pairalin ang disiplina para sa bayan

Mayor Abu, nagbigay ng unang direktiba: Ayusin ang serbisyo, pairalin ang disiplina para sa bayan

SA harap ng mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Malvar, tahasang inihayag ni Mayor Art Abu ang kanyang direktiba: Pairalin ang disiplina at itaas ang antas ng kahusayan sa bawat lingkod bayan.

‘’Sa lahat ng kawani ng ating pamahalaan.. this is my marching order… … at itaas ang antas ng kahusayan,’’ ayon kay Mayor Admiral Art Abu.

Bilang alkalde, dapat aniya pahalagahan ang disiplina at kahusayan sa lahat ng aspeto ng pamamahala na nagsisimula sa mga empleyado hanggang sa serbisyong ibinibigay sa publiko.

Giit ni Mayor Abu, ang pagbabagong inaasam para sa bayan ay nakasalalay sa pagkakaroon ng malinaw na layunin at tunay na malasakit sa komunidad.

‘’Limang sukatan ng ating pamamahala… na may malinaw na adhikain,’’ saad ni Mayor Admiral Art Abu

Naniniwala ang Team Abu na ang pagpapatupad ng disiplina at kahusayan ay mahalaga sa pagpapanatili ng kaayusan, pagpapabuti ng serbisyo publiko, at higit sa lahat sa pag-iwas sa korapsyon at pang-aabuso sa kapangyarihan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble