Mayor Alice Guo, absent sa latest Senate hearing hinggil sa POGO

Mayor Alice Guo, absent sa latest Senate hearing hinggil sa POGO

HINDI dumalo si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Senate hearing hinggil sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) nitong Miyerkules, Hunyo 26.

Batay sa pahayag ng abogado nito na si Stephen David, may sakit at stressed ang mayora dahilan para hindi ito dadalo sa hearing.

Matatandaang nasangkot si Guo sa isyu ng POGO hub sa Bamban gaya ng pagkakaroon ng human trafficking activities.

Kuwestyunable rin para sa ilang mga mambabatas ang citizenship ng mayora.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter