Mayor Alice Guo, sinampahan ng kasong graft ng DILG

Mayor Alice Guo, sinampahan ng kasong graft ng DILG

SINAMPAHAN ng kasong graft ng Department of the Interior ang Local Government (DILG) si Bamban Mayor Alice Guo.

Ito ay kaugnay sa umano’y pagkakasangkot ng alkalde sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa bayan ng Bamban.

Matatandaan na sinabi ni DILG undersecretary Juan Victor Llamas na dapat binawi ni Guo ang permit na ibinigay ng lokal na pamahalaan sa kompanyang Hongsheng Gaming Technology.

Aniya ito ay dahil bigo ang naturang kompanya na makumpleto ang kinakailangang dokumento at expired o paso na rin ang license to operate nito mula sa Philippine Amusement and Gaming Corp (PAGCOR).

Bukod dito, natuklasan din na isang incorporator si Guo ng Baofu Land Development Inc. na pagmamay-ari ng lugar kung saan natagpuan ang mahigit sa tatlumpung gusali, isang swimming pool at mga mamahaling sasakyan.

Matatandaan na naging kontrobersya si Guo matapos na imbestigahan ito ng Senado kung saan kiinuwestiyon ang nationality nito at itinuring pang espiya umano ng China.

Nanindigan naman si Guo na siya ay ipinanganak at lumaki sa Pilipinas at isang Pilipino.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble