Mayor Baste Duterte, pinalagan ang labis na presensiya ng mga pulis sa labas ng KOJC Compound sa Davao City

Mayor Baste Duterte, pinalagan ang labis na presensiya ng mga pulis sa labas ng KOJC Compound sa Davao City

MAPA-umaga, tanghali, hapon, gabi at kahit hatinggabi—ganyan katindi ang presensiya ng mga pulis sa labas ng religious compound ng the Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Davao City.

Police visibility lang umano ang sadya ng mga pulis.

Pero, kapuna-puna ang lapit ng kanilang checkpoints sa isa’t isa na pawang nakaharap sa compound ng simbahan.

Pati mga taga-Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG), madalas na rin ang paniniket sa mga sasakyan sa labas ng compound.

Ang reklamo ng mga taga-KOJC, nakarating kay City Mayor Baste Duterte.

“Ako, nagdeklara ng digmaan laban sa droga. Figuratively o literally man, sinabi kong magdedeklara tayo nito pero mas seryoso itong problema kumpara sa mga akusasyon laban kay Pastor Quiboloy,” ayon kay Mayor Sebastian ‘Baste’ Duterte, Davao City.

“Para sa akin, nakakatawa ang ginagawa nila. Nakakatawa na ginagawa nila iyon, parang napaka-immature at wala sa lugar… Ginawa nilang playground kung saan ginagawa nila ang gusto nila kahit hindi tumutukoy sa batas. Parang ‘yung ginagawa sa atin,” dagdag pa nito.

Kinuwestiyon ni Mayor Duterte ang labis na presensiya ng mga pulis sa labas ng simbahan—ang lugar na biktima ng pang-aabuso ng mga pulis noong June 10, 2024 kung saan naganap ang marahas na paghahanap kay Pastor Apollo C. Quiboloy.

Mayor Baste, tinawag na ‘inefficient’ at ‘grave abuse of authority’ ang dami ng mga pulis sa KOJC

 “At hindi naman direktang naaapektuhan nito ang buhay ng mga indibidwal na Pilipino o mga taga-Davao lang. Pero ngayon, patuloy silang nagsasayang ng oras doon sa mga wala namang kabuluhan,” ani Mayor Duterte.

‘Inefficient, unang-una sa lahat at talagang grave abuse of authority,” giit pa nito.

Nagulo ngayon ang dating tahimik na buhay ng mga manggagawa ng KOJC sa kanilang Davao Compound.

At nangakong patuloy na babantayan ang ari-arian ng simbahan.

Nangako naman ng suporta si Mayor Baste sa mga taga-KOJC kasabay ng pag-asang matatapos na sa lalong madaling panahon ang dinadaanang panggigipit sa Marcos Jr. administration.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble