Mayor Honey Lacuna-Pangan, pinangunahan ang wreath laying ceremony ng ika-79 anibersaryo ng Battle of Manila

Mayor Honey Lacuna-Pangan, pinangunahan ang wreath laying ceremony ng ika-79 anibersaryo ng Battle of Manila

PINANGUNAHAN ni Manila City Mayor Honey Lacuna-Pangan ang wreath laying ceremony para sa ika-79 na anibersaryo ng Battle of Manila o Labanan sa Maynila.

Ang aktibidad ay dinaluhan ng mga ambassador at kinatawan ng embahada ng Amerika, Canada, New Zealand, China, United Kingdom, Australia, United Mexican States.

Ang mga bulaklak ay inalay sa harap ng himlayan at monumento ng mga inosenteng sibilyan na nadamay sa Battle of Manila.

Ang Battle of Manila na naganap noong Pebrero 3 hanggang Marso 3, 1945 ay isa sa mga makasaysayang labanan sa panahon ng Second World War kung saan ang bakbakan ay naganap sa pagitan ng Pilipinas kasama ang tropa ng Amerika laban sa mga Hapon.

Pagkamatay ng mahigit 100,000 libong sibilyan at pagkasira ng lungsod ng Maynila ang idinulot ng isang buwang bakbakan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter