Mayor Isko, hindi NPA ayon kay Congressman Dong Mangudadatu

Mayor Isko, hindi NPA ayon kay Congressman Dong Mangudadatu

HINDI naniniwala ang bagong support group nina Mayor Francisco Isko Moreno at Mayor Inday Sara na si Congressman Dong Mangudadatu na may kinalaman si presidential candidate Isko Moreno sa paratang na supporter ito ng New Peoples Army (NPA).

Walang nakikitang rason si Congressman Dong Mangudadatu lead convenor ng bagong support group na Isko at Inday Sara Tandem (ISSA) para paratangan na miyembro o supporter ng makakaliwang grupo na CPP-NPA-NDF.

Ito ang naging panawagan ng mambabatas sa publiko kaugnay sa naturang alegasyon.

“Tungkol diyan sa sinasabing Anti-insurgency na kesyo daw si Isko Moreno ay alam niyo na pero based lang yan sa intelligence nila. Madali lang po natin yang halungkatin, huwag na po natin yan i-ano sa social media na kesyo ganito, ganoon yung mama at pwede po kayo magtanong sa ating kasundaluhan, sa ating kapulisan of how true is the report or intelligence information that Isko Moreno is, isang NPA. Hindi po yan totoo kasi ako, member of the congress before na isang peace advocate din po. Nakita po natin ang ginagawa ng ating kasundaluhan to end local communist, kasama po si Isko Moreno para maging mapayapa po ang ating bansang Pilipinas,” pahayag ni Cong. Zajid Dong Mangudadatu

Nauna nang naging usap-usapan ang pangalan ni Moreno na may kaugnayan sa Komunista dahil sa hindi nito pagkondena sa mga masasamang ginagawa ng CPP NPA NDF. Hindi rin lingid sa kaalaman ng lahat ang pagkalat ng larawan ni Mayor Isko na magkatabi at magkasama sila ni CPP NPA Founder Jose Maria Sison sa isang pulong sa ibang bansa.

Samantala, matapos na inilunsad ang bagong support group para kina Mayor Isko at Inday Sara, bigo pa munang isinapubliko ang mga nakatakdang gagawing aktibidad ng grupo sa susunod na mga araw.

Buo rin ang tiwala ng grupo na malaki ang bilang nila para sa kandidatura ng dalawang alkalde para sa nasyonal na posisyon.

Sa huli, itinuturing nito na isang mind conditioning lang ang mga survey sa bansa kung saan hindi natinag ang pangunguna nina dating Senador Bong Bong Marcos at Mayor Inday Sara Duterte sa presidential at vice presidential survey.

Ayon sa grupo, makababawi rin si Isko sa susunod na mga survey sa pampanguluhang halalan.

“We will respect that, but it’s all about mind conditioning. Ito nakikita natin kung ang isang tao ay nasa peak na. Kumbaga sa hagdanan ay umaakyat. Kung nandun ka na sa peak, ano ang gagawin niyan? bababa. Pre-campaign pa to eh. So ibi-based nating lahat sa accomplishments  achievements of those candidates that are vying for presidency. Isa lang po ang nakita natin dito na tunay at talagang may maipagmamayabang na may nagawa sa kanyang lugar, sa Manila City na pwede idu-duplicate yan. So, I do believe by the next survey ay aangat na si Isko Moreno sa pagkapangulo ng ating bansa, ” pahayag ni Cong. Zajid Dong Mangudadatu.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter