MDRRMO, agad na inaksyunan ang ilang spillway na hindi madaanan sa San Antonio, Quezon

MDRRMO, agad na inaksyunan ang ilang spillway na hindi madaanan sa San Antonio, Quezon

APEKTADO ang ilang pangunahing spillway gaya ng Anangi River Spillway sa Brgy. Bulihan, Bile River Spillway sa Brgy. Magsaysay, at Bulihan-Roxas Spillway sa Brgy. Bulihan.

Samantala, ang Suysuyin Spillway sa Brgy. Niing ay maaari pa ring daanan sa kabila ng masamang lagay ng panahon.

Sa agarang aksyon ng San Antonio Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), sa pangunguna ng kanilang tanggapan at sa pakikipagtulungan ng Sangguniang Barangay ng Brgy. Niing at Brgy. Bulihan, agad na isinagawa ang clearing operations.

Tinanggal ang mga bara at debris sa mga spillway para muling maibalik ang normal na daloy ng trapiko.

Ngayong araw, ligtas at maaari nang madaanan ang lahat ng spillway sa buong bayan ng San Antonio.

Patuloy na paalala ng lokal na pamahalaan sa publiko: maging alerto, mag-ingat sa biyahe, at manatiling handa sa harap ng mga banta ng masamang panahon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble