Media workers, parte ng B priority group para sa COVID-19 vaccination

MAGIGING parte ang media workers ng B priority group para sa COVID-19 vaccination ayon sa Department of Health (DOH).

Ito ay ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, magiging parte ang media workers ng B classification kasama ang iba pang mangagawa ng bansa.

Ang mga sektor na kasama sa priority list ng pamahalaan para sa bakuna sa ilalim ng group B ay ang mga sumusunod:

B1: Teachers, Social workers
B2: Mga kawani ng pamahalaan
B3: Ibang essential workers
B4: Socio-demographic groups
B5: Overseas Filipino workers
B6: Other remaining workforce

Samantala, inilabas naman ni Undersecretary Rosemarie Edillon ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang listahan ng subgroups na kasama sa 14 o ang mga grupo ng frontline personnel sa mga essential sectors na kasama rin sa prayoridad ng COVID-19 vaccination.

Ipinaliwanag ni Edillon na ang mga kasama sa A4 ay mga economic sectors na may mataas na lebel ng interaksyon o mataas na exposure sa publiko o nangangailangan na masiguro ang kaligtasan ng mga konsyumer at manggagawa.

SMNI NEWS