KINUMPIRMA ngayon ng Commission on Elections (COMELEC) na bubuo sila ng medical advisory board na magbibigay ng karagdagang suporta sa pagtitiyak na masusunod at maipatutupad ang mga panuntunan at polisiya na may kinalaman sa COVID-19.
Bukod diyan ay makikipagkasundo rin ang COMELEC sa iba’t ibang mga health at medical groups na tutugon sa mga usaping pangkalusugan ng mga botante lalo na ang mga kabilang sa vulnerable group o mga nakatatanda at may mga karamdaman.
Samantala isinasapinal na ng COMELEC ang paglalagay ng hiwalay na voting area para makaboto pa rin ang mga makikitaan ng sintomas ng COVID-19 sa araw mismo ng eleksyon sa May 9.
Sinabi ni COMELEC Commissioner Imee Neri na kabilang ito sa mga ikinokonsidera ng COMELEC upang matiyak na magiging ligtas pa rin sa mga botante ang paglahok sa eleksyon sa gitna ng pandemya.