Mega job fair ng Manila LGU, binuksan para sa lahat; Ilang job applicants, hired on the spot

Mega job fair ng Manila LGU, binuksan para sa lahat; Ilang job applicants, hired on the spot

WALANG pili ang mega job fair ng Manila LGU sa isang mall sa lungsod.

Kahit kasi hindi Manilenyo ay malayang nakapag-apply ng trabaho.

Mayroong 5,000 na bakanteng posisyon sa mega job fair ng Maynila.

Karamihan sa mga trabahong ito ay may kinalaman sa sales, janitorial services, administration, housekeeping, at iba pa.

Ang maganda sa job fair ay mayroong naha-hired on the spot.

Isa na rito si Jay Carlo. Nakatira ito sa Valenzuela, pero sa Maynila nakipagsapalaran para magkatrabaho.

Ang mga hired on the spot, hindi na rin nahirapan sa pagkuha ng requirements dahil doon pa lang sa job fair ay naroon na ang mga pangunhing ahensiya para tulungan sila gaya ng Pag-IBIG, SSS, PhilHealth, at BIR.

Samantala, ilan pa sa mga nag-apply sa job fair ay ang senior high grad na muling nagbabasakali na matanggap sa trabaho.

May iba naman na kahit 50-anyos na ay hindi nawawalan ng pag-asa sa paghahanap ng panibagong trabaho.

Sa update naman ng Manila LGU as of 4:00 ng hapon ay nasa 70 ang hired on the spot sa job fair.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble