Meggie Ochoa, nakuha ang ikalawang ginto ng Pilipinas sa 19th Asian Games

Meggie Ochoa, nakuha ang ikalawang ginto ng Pilipinas sa 19th Asian Games

NAKAMIT ng Pinay na si Meggie Ochoa ang ikalawang gintong medalya ng Pilipinas para sa nagpapatuloy na 19th Asian Games sa Hangzhou China.

Tinalo ni Meggie si Balqees Abdulla ng United Arab Emirates by advantage sa women’s under-48kg Brazilian Jiu-Jitsu Competition na ginanap sa XSL Gymnasium sa Hangzhou.

Napag-alaman na tatlong araw nang nilagnat ang two-time world champion bago ang laban kay Adbulla.

Natalo rin ni Maggie ang mga unang nakalaban na sina Odgerel Baybayar ng Mongolia, Nazgul Rakhayeva ng Kazahkstan at Kacie Tan ng Thailand.

Ito na ang ikalawang ginto ng Pilipinas matapos naunang na-domina ni EJ Obiena ang ASIAD pole Vault Tournament.

Follow SMNI NEWS on Twitter