Maraming Salamat sa mga taga-KOJC dahil kahit kami ay hindi members, tinanggap n’yo kami na parang pamilya.
Kaya nga nagdurugo ang puso ko kapag may nagpapasalamat, kasi kami dapat ang nagpapasalamat sa inyo. Itinataya niyo ang inyong buhay, itinataya niyo kung anong meron kayo para lang makipaglaban.
Kami ay ordinary citizen, hindi naming kaya itong laban. Nagkakaroon lang kami ng lakas ng loob dahil alam naming nasa likod namin ang KOJC, ang SMNI na may kakayanang makinarya na tumayo para sa amin na hindi kayang makipaglaban.
Huwag po kayong magpasalamat sa amin, kami po ang nagpapasalamat sa inyo. Maraming, maraming Salamat sa inyo.