Meralco Bolts, panalo vs Macau Black Bears sa kickoff ng 2024-25 EASL Season

Meralco Bolts, panalo vs Macau Black Bears sa kickoff ng 2024-25 EASL Season

PANALO ang Meralco Bolts sa naging laro nila kontra Macau Black Bears sa iskor na 97-85.

Ang game nila nitong Miyerkules, Oktubre 2 ay bahagi ng kickoff ng 2024-25 East Asia Super League (EASL) Season.

Para sa panalo na ito ng Bolts, nag-ambag ng 18 points si Chris Newsome; tig-17 points mula kay Allen Durham at DJ Kennedy; at 14 points mula kay Chris Banchero.

Ang 2024-25 EASL Season ay nagsimula na nga nitong Oktubre 2 at magtatapos sa Pebrero 12, 2025.

Ang EASL ay isang international basketball league kung saan kasali ang bansang Japan, South Korea, Pilipinas, at Taiwan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble