ISANG comeback win ang panalo ng Meralco Bolts laban sa Converge FiberXers.
Sa kanilang game kasi, lumamang agad ng 20 points ang Converge sa iskor na 7-27 sa halos apat na minutong natitira sa oras ng first quarter.
Pero bago matapos ang unang quarter ay naibaba ito ng Bolts ang lamang ng kalaban sa 12 points.
At sa pagtatapos ng second quarter, naidikit pa ng Meralco ang kanilang iskor sa 42-44.
Sa pagpasok ng second half, naging dikitan na ang iskor ng dalawang koponan hanggang sa magtabla ang kanilang iskor sa 89 sa natitirang 59 seconds ng kanilang game.
Nagpanalo naman sa Meralco ang fadeaway shot ni Chris Newsome.
Sa kabuuan, nag-ambag ng 15 points si Newsome sa panalo ng kanilang team
Follow SMNI News on Rumble