LUMAGDA ang Meralco ng emergency power supply deal sa pagitang ng GNPower.
Ang supply deal na katumbas ng 300 megawatts ay hanggang January 25, 2023.
May rate na P5.96 per kwh ang supply agreement at sa pamamagitan nito ay mababawasan ang exposure ng Meralco sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM).
Ito rin ang magiging daan upang hindi gaanong mataas ang mababayaran ng mga konsyumer sa kanilang kuryente.