Meralco may dagdag nang suplay ng kuryente

Meralco may dagdag nang suplay ng kuryente

NAKAKUHA ng karagdagang suplay ng kuryente ang Meralco sa pamamagitan ng kasunduan nito sa South Premiere Power Corp.

Sa ilalim ng kasunduan, nasa 290 megawatts ang idadagdag na suplay ng kuryente.

Dahil dito, umabot na sa kabuuang 1,200 megawatts ang kapasidad ng suplay na magmumula sa Ilijan Natural Gas Plant na matatagpuan sa bayan ng Ilijan, Batangas.

Ang South Premiere Power Corp. ay isang energy generation subsidiary ng San Miguel Corp.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble