ITINANGGI ni Mereophe ‘Fifi’ Sharma na lilipat siya mula Akari Chargers patungo sa ibang koponan sa Premier Volleyball League (PVL).
Ayon sa middle blocker, huwag agad maniwala sa anumang sinasabi sa social media.
Nagbigay payo pa ito na dapat palaging i-fact-check kung ano ang makikita sa iba’t ibang platform gaya ng Facebook.
Sa ngayon ang priority ni Mereophe ang maka-recover muna sa kanyang ankle sprain na natamo sa kalagitnaan ng playoffs ng 2024–2025 PVL All-Filipino Conference.
Handa rin siyang maglaro muli para sa national team na Alas Pilipinas.