Mga ahensya na mabagal gumastos, posibleng tapyasan ng budget sa 2023

Mga ahensya na mabagal gumastos, posibleng tapyasan ng budget sa 2023

BINANTAAN ngayon ng Kamara ang mga ahensya na mabagal sa paggastos sa budget na itinakda sa kanila ng pamahalaan.

Babala ni House Committee on Appropriations Senior Vice Chairperson at Marikina Rep. Stella Quimbo, susuriin nila sa Kamara ang government agencies na mababa ang utilization rate.

Utilization rate ang tawag sa kakayahan ng isang ahensya na gamitin ang pondo nito alinsunod sa itinakdang pagkagastusan nito.

Ayon naman kay Quimbo, paraan nila ito para piliin kung anong ahensya ang dapat makatanggap ng mas malaking pondo sa 2023.

Para sa susunod na taon, paghahatian ng lahat ng ahensya ng pamahalaan ang P5.268 trillion national budget.

Follow SMNI NEWS in Twitter