INIHAYAG ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na nabayaran ng tig-P8 milyon ang mga suspek para ibaliktad ang kanilang mga naunang salaysay.
Nabayaran umano ang 10 suspek sa Degamo Slay case kaya umatras sa kanilang mga naunang salaysay.
Tig wawalong milyon umano ang ibinigay sa bawat suspek para sa kanilang recantations.
Yan ay ayon sa intel report na natanggap ni Secretary Jesus Crispin Remulla.
Idinaan umano sa mga tumatayong abogado ng mga suspek ang alok na pera.
Sa tanong kung kay Teves galing ang perang ipinambayad sa mga suspek.
Ang abogado ng limang suspek na si Atty. Danny Villanueva, pinabulaan ang intel report ni Remulla.
Papaano aniya magkakaroon ng ganoong usapan sa pagitan nila at mga suspek gayong napakahigpit sa loob ng NBI kung saan na-detain ang mga ito.
Limitado at bantay sarado aniya ang pag-uusap nila doon.
Maging ang gadgets aniya ay hindi nakalulusot sa loob.
Hindi rin aniya totoo na isa siya sa mga abogadong kasama ni Marvin Miranda na kumukumpas sa recantations ng mga suspek.