Mga apektado ng El Niño sa lalawigan ng Cagayan, nakatanggap ng tulong mula sa kasundaluhan

Mga apektado ng El Niño sa lalawigan ng Cagayan, nakatanggap ng tulong mula sa kasundaluhan

MAHIGIT 700 na mga magsasakang apektado ng El Niño sa lalawigan ng Cagayan ang nakatanggap ng tulong sa pamamagitan ng Operation Bayanihan at pakikipagtulungan ng 17th Infantry Battalion, 77th Infantry Battalion, at 5th Civil-Military Operations Battalion-Bravo Company nitong Hulyo 12, 2023.

Nakatanggap ang mga benepisyaryo ng family food packs na naglalaman ng bigas, sari-saring canned goods, noodles at hygiene kits bilang agarang tulong habang hinihintay ang ayuda mula sa gobyerno.

Sa nasabing bilang ng mga benepisyaryo, 283 ay mula sa iba’t ibang barangay habang 82 naman ay mga magsasaka mula sa mga barangay ng Asinga Via, 30 naman ay galing sa C. Versoza, 76 mula sa Brgy. Hacienda Intal, 39 naman ay galing sa Pallaga, 109 naman mula sa Sta. Margarita at 106 naman ay mula sa iba pang armed conflict-affected families ang nakatanggap ng tulong mula sa nasabing Operation Bayanihan.

Pinangunahan ng PNP, mga miyembro ng Youth for Peace, at LGUs ang distribusyon ang nasabing tulong para sa mga pamilyang apektado ng El Niño.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter