WALANG pangil ang ginawang paglalabas ng sanksyon ng US Department of Treasury laban kay Pastor Apollo C. Quiboloy, ayon sa legal counsels ng The Kingdom of Jesus Christ.
Ayon sa isang abogado ng KJC na si Atty. Manny Medrano, hindi maaaring pakialaman ang mga ari-arian ng Kingdom hangga’t walang civil law suit o seizure warrant na pinapayagang kumpiskahin ang mga nasabing ari-arian.
Dagdag pa ni Atty. Ferdie Topacio, isa rin sa mga legal counsel ng KJC, kailangan munang dumaan sa korte o magkaroon ng paglilitis bago ma-freeze o kumpiskahin ang mga ari-arian.
Walan namang dapat gawin ang KJC at hindi na dapat pang pag-aksayahan ng panahon ito dahil sang-ayon din siya na hindi pwedeng kunin ang mga ari-arian ayon sa lead counsel ng kampo ni Pastor Apollo na si Atty. Michael Green.