NANINIWALA si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na ang mga atletang kalahok sa 2023 Palarong Pambansa ay ang susunod na world-class athlete na magdadala ng watawat ng Pilipinas sa international competition.
Ayon sa Pangulo, maraming mga atletang Pilipino ang nanalo at kinikilala hindi lang sa Pilipinas kung hindi sa buong mundo.
Nakahanda naman ang humigit-kumulang 1,573 medals para sa 34 sports na may 9,172 delegates ngayong taon.
Tampok din sa nasabing competition ang laro ng lahi tulad ng kadang-kadang, tumbang preso, at patintero.
Bukod sa laro ng lahi at iba pang sports mayroon ding demonstration sports tulad ng weightlifting, obstacle course, esports, cheerdance, dancesports, at pencak silat.
Sa huling mensahe naman ni Pangulong Marcos sa mga atleta, dapat isipin ng mga ito na sila ay champion at makipag kumpitensya nang may kahusayan, patas at may integridad.