Mga atletang Pinoy na nag-qualify sa 2024 Paris Olympics, 12 na

Mga atletang Pinoy na nag-qualify sa 2024 Paris Olympics, 12 na

BILANG paghahanda sa darating na 2024 Paris Olympics, ay papasok sa Metz training camp sa France ang mga atletang Pilipino para sa kanilang isang buwang pagsasanay bago ang gaganaping olympics.

Ayon kay Tagaytay City Mayor Abraham ‘Bambol’ Tolentino, na siyang pangulo ng Philippine Olympic Committee (POC), tuloy na tuloy ang nasabing training at matagal na nilang pinagplanuhan ito.

Aniya, sa naturang training camp, nandoon na ang sports lab, sports clinic, at lahat ng kailangan o gagamiting equipment sa olympics.

“So, first time, first time po natin na magkakaroon ng training camp before olympics. Nandoon na po iyong acclimation, lahat, para masanay na lahat sa ano. Para ring agriculture iyan ‘no, para ring sa mga cattle rin natin, kailangan masanay muna sa weather,” pahayag ni Mayor Abraham Tolentino, President, Philippine Olympic Committee.

Iniulat ni Tolentino na mayroon nang 12 atletang Pilipino na nag-qualify na sasabak sa 2024 Paris Olympics.

Kabilang sa mga sports na sasalihan ng bansa ang fencing; rowing; pole vault; 3 mula sa gymnastics; 3 sa boxing; at 3 mula sa weightlifting.

Sinabi ng Philippine Olympic Committee president na posible pang madagdagan ang bilang na ito.

“So, naghihintay pa po tayo. We’re expecting, God willing, we’ve been praying and expecting na madagdagan pa – madadagdagan pa, for sure. And ang kutob ko ay mas marami pang madadagdag kaysa nag-qualify po doon sa 12,” wika ni Mayor Abraham Tolentino, President, Philippine Olympic Committee.

Inilahad ni Tolentino na magmumula sa sports gaya ng boxing, golf, cycling, long jump, aquatics o swimming, skateboarding at iba pa ang mga Pinoy athlete na maaaring maidagdag pa sa Paris Olympics.

“So kapag tinotal ninyo po iyon, talagang more than 12 pa po ang baka pumasok harinawa na maidagdag, so with that, we’ll be beating the Tokyo Olympics na 19 po iyong atleta natin na nag-qualify. So, this will be one of the biggest since, I think, since 1950s, 1956 Olympics,” ayon pa kay Tolentino.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble