BINUKSAN ang vaccination drive para sa mga kababayan nating myembro ng Badjao community kabilang na ang mga indibidwal na may special needs.
Bukas na ang pamahalaang lungsod ng Davao City sa mga mentally challenged, persons with disabilities at myembro ng Badjao community.
Nagtungo sa People’s park ang mga ito upang tumanggap ng libreng bakuna.
Nagsimula ang vaccination drive noong 18 ng Agosto at magtatagal hanggang sa Oktubre ngayong taon. Inihayag ni Mae Aquino focal person ng City Social Welfare and Development Community Welfare Program (CSWDCWP) sa City Information Office na nasa sampung mentally challenged individuals na nakatira sa Lingap center, 15 na may austism, 15 rin na may hearing impaired disability ang natulungan sa pamamagitan ng parent mobilization action group.
Maliban pa sa vulnerable sector 30 kabilang sa Badjao community ang sumailalim naman sa initial community level orientation na isinagawa ng social workers bago mag vaccination.
Ayon kay Aquino, planado ang isinagawang vaccination para sa vulnerable sectors at plano din ma cater ang iba pang vulnerable groups tulad ng mga kabataan 18 pataas, solo parents, women at senior citizens.
Aniya kinakailangan lamang na puntahan ang pinaka malapit na social workers at kung handa na ang mga ito ay maari na silang mag pa rehistro.
Target ng lungsod na makapag bakuna ng 700 indibidwal kada araw. Samantala nagpapatuloy naman ang vaccination drive ng pamahalaang lungsod sa Kingdom of Jesus Christ headquarters sa pangunguna pa rin ng butihing Pastor, Pastor Apollo C. Quiboloy at bilang pagsuporta na rin sa target na herd immunity ng Davao City.
Ang mga organized group o organizations sa mga vulnerable sectors ay maaaring makipag coordinate sa tanggapan ng CSWD para makapag pa schedule.