Mga bagong COMELEC Commissioner Ernesto Maceda, Nelson Celis manunumpa na sa Lunes

Mga bagong COMELEC Commissioner Ernesto Maceda, Nelson Celis manunumpa na sa Lunes

MANUNUMPA ang mga bagong Commission on Elections (COMELEC) Commissioner sa harap ni COMELEC Chair Erwin Garcia ngayong Lunes.

Ayon kay COMELEC Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, sa susunod na linggo, araw ng Lunes, Oktubre 10, ay manunumpa na sa kanilang tungkulin ang mga bagong COMELEC Commissioner na sina Ernesto Maceda at Nelson Celis.

Ito ay gagawin sa Sofitel Hotel Pasay City, alas otso ng umaga pagkatapos ng flag ceremony.

Ang dalawa ay manunumpa sa harap ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia bago ang kanilang formal assumption.

Pagkatapos ng oathtaking Ceremonies sa dalawang bagong commissioner ay agad itong susundan ng press conference.

Matatandaan na araw ng Huwebes, Oktubre 6 nang inilabas sa media ang appointment ng Malacañang kay Maceda at ang reappointment kay Celis pagkatapos itong ma-bypass ng Commission on Appointment.

Ang kanilang appointment papers ay nalagdaan ni Pangulong Marcos nitong Oktubre 3.

Sila ay magsisilbing komisyuner hanggang Pebrero 2, 2029.

Sa isang statement ay una nang winelcome ni COMELEC Chairman Erwin Garcia ang mga bagong komisyuner kung saan sinabi nito na nagagalak siyang muling na reappoint si Celis, habang pagdating kay Maceda ay sinabi nitong isa itong beteranong election lawyer at election professor.

“I look forward to working with Commissioner Maceda who is a veteran election lawyer and election professor,” pahayag ni Garcia.

“I am also delighted at the reappointment of Commissioner Celis, who had already great relations in the Commission following his previous appointment,” dagdag nito.

Sa ngayon ay kumpleto na ang pitong myembro ng COMELEC en banc pagkatapos ang appointment ng dalawang bagong commissioner.

Follow SMNI NEWS in Twitter