PINASOK na ng baha ang mga bahay sa Navotas City bunsod ng high tide at malakas na pag-ulan na hatid ng Bagyong Carina.
Nananawagan na rin sa mga lokal na opisyal ang ilang mga residente, partikular na sa Bacog, Daanghari, na palikasin na ang mga pamilya para sa kanilang kaligtasan.
Samantala, kaugnay ng masamang lagay ng panahon, sinuspinde ng lokal na pamahalaan ang klase sa lahat ng antas ngayong araw, July 23.