Mga balota para sa May 12 elections ibiniyahe na sa LGUs

Mga balota para sa May 12 elections ibiniyahe na sa LGUs

PINANGUNAHAN mismo ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman Atty. George Garcia ang makasaysayang deployment ng mga balota—isang kritikal na yaugto sa halalan—mula sa COMELEC warehouse sa Laguna, patungo sa iba’t ibang rehiyon ng bansa.

Bilang bahagi ng seremonyang isinagawa, umarangkada ang paunang deployment ng kabuuang 3,576 bundles ng balota na nakalaan para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM)—isang rehiyong may sensitibong papel sa eleksiyon.

Kabilang sa mga naunang napadalhan ay ang lalawigan ng Basilan na tumanggap ng 440 bundles, at ang Tawi-Tawi na may 368 bundles na inaasahang tatanggapin sa Zamboanga City Port.

Kasunod nito, ipinadala rin ang 686 bundles ng balota para sa Maguindanao del Norte, at 610 bundles para sa Maguindanao del Sur.

Hindi rin nakaligtaan ang mga lugar sa Special Geographic Area, na nakatakdang tumanggap ng 154 bundles ng balota sa Davao City Port, habang ang Lanao del Sur naman ay inaasahang makatatanggap ng 1,318 bundles na ibababa sa Cagayan de Oro City Port.

Bago sumapit ang Mayo 1, target ng COMELEC na maipadala na sa lahat ng lokal na pamahalaan ang mga balota at vote-counting machines upang agad masimulan ang testing and sealing ng mga Board of Election Inspectors.

Isa itong mahalagang hakbang sa masusing paghahanda para sa mismong araw ng halalan sa Mayo 12.

Samantala, upang maiwasan ang insidente ng pagpapalit-palit ng mga balota.

Para naman sa mga may pagdududa kung makakarating ba sa tamang oras ang mga balota dulot ng kakulangan sa panahon.

“Ito po ‘yung kauna-unahang batch, talagang hinuhuli namin ang mga balota,” ayon kay Atty. George Garcia, Chairman, COMELEC.

Batay sa pinakahuling datos mula sa COMELEC, umabot na sa 68.43 milyong Pilipino ang rehistradong botante para sa May 12 midterm elections—isang patunay ng patuloy na interes ng mamamayan sa demokratikong proseso ng bansa.

Inaasahan na sa mga susunod na araw, ilalabas na ng COMELEC ang detalyadong porsiyento ng mga balotang naipamahagi na sa bawat lokal na pamahalaan, bilang bahagi ng transparency at monitoring ng election logistics.

Sa kabila ng lawak ng operasyon, muling tiniyak ng COMELEC na ligtas at maayos ang biyahe ng mga balota—kasama ang mahigpit na pagbabantay ng mga awtoridad at tulong ng iba’t ibang ahensiyang katuwang sa pagtiyak ng integridad ng halalan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble