IPINAGBAWAL ng Tennis Australia ang pag-display ng mga bandila ng Russia at Belarus sa Australian Open matapos na magprotesta ang ambassador ng Ukraine nang makita ito sa nasabing event.
Mariing kinondena ni Ukraine’s Ambassador to Australia at New Zealand na si Vasyl Myroshnychenko ang pag-display sa publiko ng watawat ng Russia at hinimok agad nito ang Australian Open na gawan ito ng aksyon.
Nakita ang pula, puti at blue stripes ng Russia sa kalagitnaan ng unang round clash sa pagitan nila Kateryna Baindl ng Ukraine at Kamilla Rakhimova ng Russia.
Ayon sa pahayag ng Tennis Australia, agad nang ipinagbabawal nang makita at i-display ang mga watawat ng mga nasabing bansa sa Australian Open.
Matatandaan na noong nakaraang linggo lamang nang manawagan si Myroshnychenko sa Australian Open na pagbawalan nang makapaglaro ang Russian at Belarusian players.
Ipinanawagan din ang pag-ban ng Belarusian players dahil sa suporta nito kay Russian President Vladimir Putin. Russia at Belarus