Mga barko ng Tsina, pinaba-ban sa Pilipinas

Mga barko ng Tsina, pinaba-ban sa Pilipinas

HINIMOK ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang Kongreso na magpasa ng panukalang batas para i-ban ang foreign ships na pumasok sa Pilipinas.

Partikular sa tinukoy ni Rodriguez na ipagbawal ang mga barko ng Tsina.

Saad ng mambabatas, wala dapat foreign ship na nakakapasok sa bansa nang hindi nagpapaalam.

Magiging exempted naman sa panukala kung ‘right to passage’ lamang ang gagawin sa mga designated archipelagic sea lanes sa bansa.

“I have refiled my bill and I urge Congress to approve it. No Chinese or any vessel should be allowed in our waters without our approval unless for innocent passage in the designated archipelagic sea lanes,” giit ni Rodriguez.

Kung maisasabatas, ito ay magpapataw ng parusa sa arbitrary passage ng Chinese at ibang foreign ships maging ng mga eroplano sa archipelagic waters at adjacent territorial waters ng Pilipinas.

Na ang lahat ng dadaan ay hindi dapat pagbantaan ang soberanya, territorial integrity at political independence ng estado.

Follow SMNI NEWS in Twitter