ABALA rin sa pamumulot ng mga basura ang mga chikiting ng Sonshine Philippines Movement (SPM) volunteers para makatulong sa paglilinis ng dalampasigan ng Payapay, sa Brgy. 90, San Jose, Tacloban City.
Sa murang edad, natututunan na nila ang kahalagahan ng kalinisan at pangangalaga sa kalikasan.
Sa patnubay ni Pastor Apollo Quiboloy, maraming kabataan ang natuturuang maging magalang, mapagmahal, at higit sa lahat, responsableng mamamayan na nagmamalasakit sa kinabukasan ng Pilipinas.
Ang Nationwide Coastal Cleanliness Drive na ito ay inisyatibo ni Pastor Apollo C. Quiboloy na may temang “Kalinisan: Tatag ng Bayan” upang ibalik ang kagandahan at kalinisan ng kalikasan.
#KalinisanTatagNgBayan
#PastorApolloParaSaKalikasan
#ParaSaDiyosAtPilipinasKongMahal