BUHAY ang 4 na indigenous na mga bata kasama ang isang 11-month-old na baby matapos bumagsak ang kanilang sinakyang eroplano sa Amazon Forest, Colombia mahigit 2 linggo na ang nakalipas.
Ibinahagi ni Colombian President Gustavo Petro, mahigit 100 sundalo ang idineploy para hanapin ang mga ito.
May 1 nang bumagsak ang eroplano kung saan namatay ang 3 adult passengers kasama ang piloto at ang mga ina ng mga bata.
Hindi na idinetalye pa ni Petro kung paano nai-rescue o nag-survive ang mga bata.